Ginawaran ng prestihiyosong “Legion of Honor” o ang pinakamataas na pagkilala sa France si Cardinal Luis Antonio Tagle, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Nabatid na iprinisinta ni French Ambassador to the Holy See Florence Mangin kay Cardinal Tagle ang Officer’s rank ng Legion of Honor. Sa seremonya, pinuri ni Mangin ang “intelektwal at pastoral na paglalakbay” ng Cardinal, at itinampok ang kanyang kasalukuyang tungkulin bilang “pro-prefect ng Dicastery for Evangelization sa loob ng Vatican.”
Samantala, binigyang-diin din ni Mangin na partikular na kinikilala ng parangal ang habambuhay na dedikasyon ng Cardinal na sumusuporta sa mga mahihinang komunidad, partikular na binanggit ang kanyang mga programa para sa mga biktima ng karahasan, pagkalulong sa droga, migrante, at natural na kalamidad sa Pilipinas. |TERESA IGUID
0 Comments