PINOY NA PASAHERO, NAHIHIRAPANG I-APPROACH ANG ISANG FOREIGNER SA PAG-ABOT NG PAMASAHE SA DRAYBER



Naging katuwaan sa mga netizens ang ibinahaging video ng isang TikToker kung saan nahihirapan ang isang Pinoy na pasahero ng jeep na maipasa ang pamasahe nito sa drayber.

Sa video kasi, nakalagay na caption sa mismong video na humihingi ito ng tulong kung ano ang dapat na sabihin sa isang foreigner na pasahero na maipasa ang bayad nito sa drayber.

Dahil dito, umani ito ng iba’t ibang komento sa mga netizens na talagang matutuwa ka sa kakaibang humor ng mga Pinoy.

"Can you ano?" komento ng isang netizen.

“Excuse me, maam. can you pass this shipping fee to the driver?”, hirit pa ng isa.

"Subtract the money from my hand", saad pa ng isa.

"can you see this? give this to the man who can't be moved."

"This too shall pass..And thy driver shall receive.”, sabi pa ng isa.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog