AGTAWAGON HILL | A VERY HISTORIC PLACE NG BALETE, AKLAN


Alam niyo ba mga ka-K5 na may taglay na memorableng kasaysayan ang isang lugar sa Balete, Aklan?

Noong World War II, nagsilbing evacuation site ng mga Pilipinong sundalo at mga gerilya ang isang malayong baryo ng Oquendo.
Gayundin, ginamit din ito ng mga Pulahanes mula sa Lambuano at Passi pati na ng mga Maraingan at Gallardo group bilang ruta patungo sa burol ng Agtawagon.
Sinasabing ang mga kanyon ay naka-display sa harap ng Police station ng Balete na ginamit sa isang digmaan kontra sa mga mananakop na Amerikano.
Habang, may iba namang nagsasabi na ang mga ito’y ginamit laban sa mga Espanyol.
Ang kwento sa likod ng Agtawagon bilang isang lugar ng labanan kung saan maraming guardia civiles at cassadories ang namatay ay minsang naiugnay sa komposo ni Manuel Cortes.

Sa panahon din ng Ikalawang Digmaan, ang Agtawagon Hill ay nagsilbing headquarters ng mga labi ng 64th Infantry Regiment sa ilalim ng pamumuno ni Maj. Jesus Jismundo. Subalit, wala din umanong nangyaring labanan sa lugar nang panahong iyon.
Pero mga ka-K5, bukod sa makasaysayang kwento na taglay ng nasabing burol sa Balete ay nakakamangha rin ang overlooking-view nito sa buong bayan.
Kaya mga ka-K5, tara at atin pang tuklasin ang natatagong mga makasaysayang lugar sa Aklan!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog