Matagumpay na napigilan ng mga miyembro ng Philippine Army sa Panay ang pinaplanong terorismong aktibidad ng Communist NPA Terrorists (CNTs) sa probinsya.
Ayon sa 301st Infantry Brigade (301IBde), naglunsad ang kanilang grupo ng Focused Military Operation (FMO) sa lugar bilang tugon sa impormasyong ibinahagi ng mga concerned residents.
Ngunit habang patungo sa lugar ay bigla nalang silang pinaputukan ng mga CNTs kung saan sila’y nasa dehadong posisyon dahilan na agad silang nag-request ng fire support.
Ang FMO ay isinasagawa upang pigilan ang anumang plano ng CTG na makakasira sa government security forces at government flagship development projects.
Sa ngayon ay nasa clearing operation na ang tropa sa lugar na nagsilbing hideout ng mga NPA.
0 Comments