Isinailalim sa imbestigasyon ng Australian police ang ama
ng American singer-songwriter na si Taylor Swift matapos ang umano’y pananakit
nito sa isang photographer.
Ayon kay Ben McDonald, isang paparazzo sa Sydney, nagsampa
ito ng kaso laban kay Scott Swift dahil sa pagsuntok sa kaniya sa mukha.
Dagdag pa nito, sa loob ng halos 23 taong pagiging photographer
ay hindi kailanman ito nakaranas ng pananakit ninuman kahit na ang ama nito’y
hindi siya sinaktan.
Habang, sinabi naman ng spokesperson ni Taylor Swift sa
Rolling Stone na mayroong dalawang taong nagiging agresibo at binantaan pa si
Taylor Swift sa entourage nito nang mangyari ang nasabing insidente.
Ngunit sa kabila nito ay tuloy pa ring magpe-perform ang
singer sa Singapore sa Biyernes para sa kaniyang “Eras Tour”.
0 Comments