OIL PRICE UPDATE | February 25, 2024



Inaasahang magpapatupad ng rollback sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa bago matapos ang buwan ng Pebrero.

Base sa pagtataya ng oil industry, bababa mula P0.90 hanggang P1.10 kada litro ang presyo ng diesel at kerosene habang ang presyo ng gasolina ay inaasahang bababa ng mula P0.60 hanggang P0.80.
Mababatid na ito na ang pangatlong beses na pagbaba ng presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo ngayong taon.
Matatandaan naman na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P1.60 sa kada litro ng gasolina, P1.10 sa kada litro ng diesel, at P1.05 sa kada litro naman ng kerosene. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog