BEAT THE HEAT NGAYONG HOLIDAY | Tara sa Tuburan Resort!

 



Matatagpuan ito sa Cubay Sur, Malay, Aklan at limang minuto lang ang layo mula sa Caticlan jetty port.

Ang Tuburan Resort ang kauna-unahang natural pool sa munisipalidad ng Malay.

Kung saan, ramdam na ramdam ang fresh flowing clean water ng kanilang pool.

Pak na pak ito sa mga gusto ng relaxation, barkada outings, recreations at family bondings.

Pupwede mo ring ma-enjoy ang paliligo sa pool at maglaro sa slides.

Kung hindi naman bet ang pool, pupwede kang maglublob sa kanilang Therapeutic Kawa Spa.

Makakaawra ka din sa kanilang pang-instagrammable spots.

Kaya mga ka-K5, tara at mag-explore!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog