LOLA AT LOLO INIREKLAMO ANG SARILING APO DAHIL SA PANANAKIT



Dumulog sa tanggapan ng Kalibo PNP ang dalawang matanda para ireklamo ang ginawang pananakit ng kanilang menor de edad na apo kaninang madaling araw sa isang barangay sa bayan ng Kalibo.
Ayon sa Kalibo PNP, pasado ala-una na ng makauwi ang 17-anyos na apo at nasira nito ang kanilang bakod dahilan na kinumpronta ito ng kaniyang lolo.
Dahil sa pagkairita ng binatilyo, dito na siya nagsimulang tumalak ng mga masasamang salita laban sa kaniyang lolo at lola tsaka pinagbuhatan ng kamay.
Agad namang binigyan ng aksyon ang nasabing insidente kung saan binigyan ng tulong medikal ang dalawang matanda at pinayuhang humingi ng medikal na pagsusuri.
Samantala, ini-refer naman ang naturang kaso sa Barangay Justice System para sa karampatang disposisyon. | VGC

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog