PROBLEMA SA UTANG, ITINUTURONG DAHILAN SA TANGKANG PAGTALON NG ISANG CONSTRUCTION WORKER SA PINAGTATRABAHUHANG BUILDING


 

Problema sa pera ang itinuturong dahilan sa tangkang pag-talon ng isang construction worker sa kino-construct na building sa Roxas Avenue Extension Andagao, Kalibo, kahapon.
Ito ang inihayag ni PMAJ. Willian Aguire ng Kalibo MPS sa panayam ng K5 News Team, matapos ang halos 7 oras na negosasyon kahapon bago tuluyang makumbinsi si alyas Eger na sumama na sa kanila.
Napag-alaman kay Aguirre na ilang araw na rin itong umiiyak at halos hindi na makausap ng kaniyang mga kasama at umabot pa sa pagkukulong sa kanilang tinutuluyan.
Ang rason, ay dahil sa halos P10K na utang na hindi naman ito nakabenepisyo ngunit siya ang sinisingil at minsan pa’y pinagbabantaan rason naman na halos hindi na ito makatulog kakaisip kung saan kukuha ng ipambabayad dahil sa kakarampot ni kinikita na pinagkakasya sa araw-araw na pangangailangan kung kaya’t nagpasya na lamang itong tapusin ang kaniyang buhay.
Kaugnay dito, ipinasiguro naman ni PMAJ Aguirre na magkakaroon muna ito ng stable na mental state bago tuluyang mapauwi sa Zamboanga del Norte sa tulong ni Kalibo Mayor Juris Sucro na una na ring nangako ng tulong pinansyal.
Samantala, plano naman ng mga kinauukulan na magkaroon ng dagdag na kagamitan na makakatulong sa pagsalba ng buhay sa mga kaparehong insidente. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog