MENOR DE EDAD DINAKIP NG MGA PULIS MATAPOS BUMALIK NA MAY DALANG PATALIM SA BOARDING HOUSE NG PINAGBANTAANG LALAKI


Dinakip ng mga kapulisan ang 17-anyos na lalaki matapos nitong sundan sa boarding house at pagbantaan ang isa pang lalaki na hindi dito nagbigay ng pera, sa Purok 3 C. Laserna St., Kalibo, ngayong umaga.

Sa panayam ng K5 News Team sa hindi na pinangalanang biktima, napag-alaman na habang bumibili ito ng almusal sa isang karinderya malapit sa kaniyang tinutuluyan ay nakasalubong nito ang menor de edad na nasa ilalim ng nakakalasing na inumin at nanghihingi ng pera na agad naman nitong tinanggihan.
Ngunit sumunod pa aniya ang naturang menor sa kaniyang boarding house at nagpupumilit din na makapasok sa kaniyang kuwarto at tumigil lamang ng paalisin ng kaniyang board mate, ngunit bago ito umalis ay nagbanta pa sa biktima na huwag lalabas kung ayaw na mabasag ang kaniyang panga.
Dahil sa pangamba sa kaniyang seguridad minabuti ng biktima na dumulog sa Kalibo MPS at habang nagbibigay ng salaysay sa mga pulis ay nakatanggap ito ng text message na bumalik ang naturang menor de edad na may dalang patalim.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang menor de edad para sa karampatang disposisyon. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog