BEA-DOMINIC, WALANG CHEMISTRY – XIAN GAZA

 


Nagpahayag ng kaniyang personal na opinsyon ang social media personality na si Xian Gaza sa umano’y estado ng relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sinabi nito na walang chemistry ang dalawa at ang tanging nakikita lamang nito ay mag-ate. Wala din umano itong madamang kilig kina Bea at Dominic.

“Wala akong makitang Chemistry kay Bea at Dom. Kahit Biology, Physics at Algebra pa yan, wala talaga eh. Hindi tao, hindi hayop, hindi bagay”, ani nito.

"Kumbaga si Bea ay anak ng isang mayamang haciendero na nakatira sa pinakamalaking mansyon ng probinsya tapos si Dom naman ay anak ng isang hardinero only to find out na ampon lang pala si Bea at ang totoong ama niya ay yung hardinero kaya bawal ang kanilang pag-iibigan. Ending ay naging sakristan si Dom. Yan ang bagay na role sa kanyang mukha. Hindi siya bagay maging asawa ni Bea Alonzo”, dagdag pa ni Gaza.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang umano’y hiwalayan nina Bea at Dominic matapos mapansin ng netizens na hindi na umano suot ni Bea ang engagement ring nito mula sa fiancé.

Samantala, ang celebrity couple ay na-engage noong July 18 ng nakaraang taon sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan sa kasagsagan ng photoshoot ni Bea para sa GMA Gala.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog