BILANG NG MGA NAMATAY SA BAHA AT LANDSLIDES SA MINDANAO, UMAKYAT SA 16



Umakyat na sa 16 ang mga namatay dahil sa matinding pagbaha at landslide na nakaapekto sa ibat-ibang bahagi ng Mindanao.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), lahat ng mga nasawi sa kalamidad ay mula sa Davao region kung saan nakaranas walang patid na pag-ulan.
Maliban dito tatlo din ang naiulat na nawawala hababang 11 ang nasugatan.
Umabot sa mahigit 772,000 na mga tao ang apektado ng kalamidad mula sa Northern Mindanao, Davao region, SOCCSKSARGEN, CARAGA, at Bagsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Mula sa bilang na ito ay pumalo sa 409,000 ang mga inilikas mula sa kanilang tirahan.
Sa tala ng gobyerno nasa P2.6 million ang inisyal na nasirang imprastraktura ng kalamidad.
Naghatid na rin ng tulong ang gobyerno sa mga apektadong residente na nagkakahalaga ng P10.9 million.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog