MAMA ANTULA, IDINEKLARA NANG SANTO

 


Nitong Linggo, February 11 ay opisyal ng idineklara ni Pope Francis si María Antonia de San José de Paz y Figueroa o mas kilala bilang Mama Antula na santo sa isang seremonya sa pagsisimula ng misa sa St. Peter’s Basilica.

Sino nga ba si Mama Antula?

Si Mama Antula ang kauna-unahang babaeng santo ng Argentina na nagtatag ng ‘Daughters of the Divine Savior’.

Ipinanganak si Mama Antula noong 1730 sa Silipica, Santiago del Estero, sa hilagang bahagi ng Argentina. Nagmula siya sa isang kilalang pamilya ng mga pinuno at mananakop.

Sa edad na 15-anyos ay napagdesisyunan nitong isuko ang buong sarili sa paglilingkod sa Diyos.

Nagsuot ito ng itim na roba at nanirahan kasama ang ilang mga kababaihan tulad ng mga madre na nagsasagawa ng Ignatian spirituality sa isang maliit na komunidad.

Kasunod ng pagpapaalis sa mga Jesuits sa ilalim ng pamumuno ng Spanish Empire ni King Charles III, nilakad ni Mama Antula ang kaniyang paglalakbaya sa northern Argentina upang maprotektahan at itaguyod ang Ignatian spirituality. Nag-organisa rin siya ng retreats sa kabila ng malawakang pagkapoot sa mga Jesuits.

Matapos ang matagumpay na retreats ay mas pang pinalawak pa nito ang kaniyang sakop sa iba pang rehiyon ng Argentina at lumipat sa Buenos Aires noong 1779.

Sa kaniyang pagpupursige ay nakuha ni Mama Antula ang tiwala ng lokal na obispo upang maitatag ang House for Spiritual Exercises sa Buenos Aires.

Taong March 7, 1799 sa Buenos Aires ay namatay si Mama Antula at inilibing sa sementeryo ng Church of the Pietà. Kinalauna’y inilipat ang katawan nito sa loob ng simbahan at naging sikat na pilgrimage destination.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog