ISANG BAHAY SA ILOILO TINUPOK NG APOY; PINSALA UMABOT SA P1.4M



Umabot sa P1.4-million ang iniwang pinsala sa nangyaring sunog sa Barangay Sambag Culob, Anilao passado alas-5 ng hapon, February 11.
Ang naturang bahay ay pagmamay-ari ng isang retired teacher na si Nelly Almeda.
Ayon sa impormasyon, sinasabing walang tao ang bahay nang mangyari ang sunog at dineklara itong fire-out bandang alas-6:30 ng gabi.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkadismaya ang pamilya ng nasunugan dahil sa mabagal na pagresponde ng bombero sa nangyari.
Sinasabing mas nauna pa umanong magresponde ang bumbero ng ibang bayan kaysa sa Anilao Fire Station.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kung ano ang naging sanhi ng sunog.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog