20.5% HOUSEHOLDS SA KALIBO, NAGMUMULA SA COMMUNITY WATER SYSTEM ANG INIINOM NA TUBIG- CBMS REPORT


Aabot sa 74% o 13, 804 mula sa 18, 660 na mga household sa bayan ng Kalibo ang kumukuha ng iniinom na tubig mula sa mga refiling stations, base sa CBMS report matapos ang kanilang isinagawang survey.

Sa panayam ng K5 News team kay Mr. Peter Mangilog, Statistician Specialist ng PSA, nabatid na sa naturang bilang ng mga household 20.5% naman dito ang nagsabing nagmumula sa community water system ang kanilang iniinom na tubig o mula sa gripo sa loob ng bahay.
Habang 2% naman ay mula sa water system ng kapitbahay, 1.8% ang mula sa water system sa labas ng kanilang mga bahay at 1.2% ang sumagot n amula sa poso ang kanilang iniinom na tubig.
Sa huli, ipinunto ni Mangilog na malaking tulong ang naturang datos upang matukoy ang pinagmumulan ng iniinom na tubig sa naturang bayan upang makabuo ang lokal na pamahalaan ng Kalibo ng iba’t-ibang programa na makakatulong sa mga ito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog