MADALAG, AKLAN

 


BUDGET-FREE RELAXATION?

Let’s go sa Madalag, Aklan!

Isa ang Madalag sa 17 na munisipalidad sa probinsya ng Aklan na puno ng mga magagandang tanawin mula sa burol, maberdeng bundok at nakakamanghang waterfalls.

Ang Madalag ay nanggaling sa salitang “madaeag” na ang ibig sabihin ay manila-nilaw o maputik.

Isa sa mga ipinagmamalaking tourist attraction dito ay ang Liktinon White Rocks kung saan mararanasan ang malamig at malinis na tubig.

Makikita rin ang iba’t ibang sukat ng mga puting bato at overflowing fresh water.

Ngunit, mga ka-K5! Hindi lang yan ang masasaksihan sa bayan ng Madalag.

Kapag mahilig ka sa adventure, tawirin ang tinatawag nilang “Monkey Bridge” na matatagpuan sa Brgy. Panipiason, Madalag, Aklan.




Kung titingnan mo, parang napakadelikado ngunit parang exciting!

Ang nasabing Monkey Bridge ay isang man-made hanging bridge na gawa sa mga matitibay na baging. Ito ang kumukunekta sa dalawang sito ng Brgy. Panipiason – Causicia proper at Sitio Mananggad.

Talagang masusubukan rito ang katatagan ng iyong loob dahil sa bawat pag-apak mo rito’y gumagalaw din ito.

Napaka-challenging yet exciting lalo na sa mga mahilig ng twist sa kanilang paglalakbay.

Kaya tara na mga ka-K5 at mag-explore!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog