Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na matindi na ang pinsala ng Bajo de Masinloc dahil sa posibleng cyanide fishing na ginagawa ng mga mangingisdang Chinese at Vietnamese.
Ayon sa BFAR, nabatid nila sa mga mangingisdang Pinoy na sadyang sinisira ng China ang Bajo de Masinloc upang hindi na makapangisda roon ang mga Filipino.
Ayon sa tagapagsalita ng BFAR, umabot na sa bilyong piso ang pinsala na idinulot ng China sa mga bahura sa lugar.
Samantala, ipinapaubaya naman ng BFAR at Philippine Coast Guard sa Department of Justice ang desisyon kung magsasampa ng reklamo laban sa China. |TERESA IGUID
0 Comments