Namangha ang publiko sa ibinidang bagong disenyo ng digital dress ng isang software company sa Adobe MAX 2023 conference sa Los Angeles Convention Center.
Kaya kasi nitong pagpa iba-iba ng pattern sa isang ‘click of a button’ dahil gawa ito sa liquid crystals na karaniwang ginagamit sa mga smart lighting.
Sa unang tingin, isa lang itong normal na dress pero kapag pinindot ang remote control ay nag-iiba ang pattern nito pati na ang kulay mula light to dark.
Maliban dito, kaya rin nitong tumugon sa galaw ng katawan ng sumusuot para mag-iba ang pattern.
Mismong si Christine Dierk ang nagsuot nito para i-present at siya rin ang nag-disenyo at tumahi ng nasabing damit.
Parte rin ng proyekto ang paggawa ng iba pang produkto daya ng handbags at mga canvas.
0 Comments