PELIKULANG "REWIND", KINILALA SA SENADO


 

CONGRATULATIONS, DONGYAN!

LOOK | Kinilala sa senado ang pagiging matagumpay ng pelikula ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ang pelikulang “Rewind” ang itinuturing na may highest-grossing Filipino film matapos itong maipalabas sa mga sinehan sa bansa.

Kung saan, nakalikom ito ng nasa P900-million na itinuturing na pinakaunang nangyari sa bansa.

Kung kaya’t sa ilalim ng Senate Resolution No. 909 ay binabati nito ang mga artist at ang production na bumuo ng pelikula.

Ayon kay Senator Robin Padilla, ang naturang pelikula ay nag-iwan ng mahahalagang aral sa mga manonood kung kaya’t nararapat na bigyang-pagkilala ang husay ng mag-asawang Dantes at Rivera dahil sila ang naging simbolo ng modernong pamilyang Pilipino na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos, bayan, kapaligiran at kapwa-tao.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog