Nakatakdang imbestigahan ng Senado ang kontrobersyal na gluta drip session ng aktres na si Mariel Padilla sa loob mismo ng tanggapan ng kanyang asawang si Sen. Robin Padilla.
Ayon kay Sen. Nancy Binay, chairperson ng Senate Committee
on Ethics and privileges, na bagamat hindi naman Senador ang aktres, kailangan
pa rin itong siliping mabuti dahil may kaugnayan ito sa integridad at
reputasyon ng Senado at kalusugan.
Aniya pa, nakakabahala rin ang IV procedure ni Mariel dahil
ginawa ito ng walang abiso sa clinic ng Senado.
Dagdag pa nito, mismong ang Department of Health (DOH) ang
nagsabi na bawal at hindi ligtas na gumagamit ng gluta drip.
Matatandaan na umani ng iba’t-ibang reaksyon ang instagram
post ng aktres na nagpapa-gluta drip ito habang nasa opisina ng asawang
senador, na kalaunan din ay binura at agad din na humingi ng paumahin si Sen.
Padilla sa mga netizens. |TERESA IGUID
0 Comments