MISTERYOSONG LUGAR PERO TOURIST ATTRACTION SA AKLAN?

 


Tara sa Tigayon Hill and Caves!

Ito ay matatagpuan sa Brgy. Tigayon, Kalibo, Aklan.

Ang Tigayon Hill and Caves ay dating tinawag na “Bukid Tigayon” at ikinukunsiderang may pinakamataas na geographical location sa nasabing bayan.

Ngunit alam niyo ba mga ka-K5 na napapalibutan ng mga misteryosong kwento at alamat ang Tigayon Hill and Caves.

Ayon sa isang Alamat, tuwing kabilugan ng buwan mayroon umanong isang karwahe na hinihila ng isang gintong baka kasama ang mga kawal nito at binabaktas ang burol. Gayundin, pinaniniwalaan ding ang naturang burol ang nagsilbing kanlungan ng mga Katipunero laban sa mga Espanyol.

Ngunit, hindi rin nagtagal ang Alamat na ito dahil nasaksihan mismo ng mga mananaliksik ng National Museum ang ilang mga artifacts sa ilalim ng dalawang kweba.

Sa unang kweba, nadiskubre ang isang kabaong o ang posibleng nagsilbing burial site habang sa pangalawang kweba naman ang isang butas para sa mga Chinese artifacts.

Maliban sa kweba, mayroon din itong altar ni Birheng Maria at sa itaas ng burol ang isang maliit na chapel at mga upuang pwede mong pahingahan habang ini-enjoy ang view.

Dahil sa taglay na mahalagang kasaysayan ng Tigayon Hill at Cave, isinama ito sa listahan ng attractions upang mapanatili ang cultural heritage at artifacts na natagpuan sa nasabing lugar.

Kaya mga ka-K5, tara at ating saksihan ang misteryoso at nakakamanghang Tigayon Hill and Caves.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog