PRESIDENTE NG SENIOR CITIZEN SA TABAYON, BANGA, NANINDIGANG WALANG PROBLEMA SA KABILA NG ILANG ALEGASYON


 
 

Naninidigan ang Presidente ng senior citizen sa Brgy. Tabayon, Banga na wala itong problema sa kaniyang mga miyembro sa kabila ng ilang mga alegasyon na ibinabato laban dito.

 

Sa programang Foro De Los Pueblos inihayag ni Mr. Robert Ramintas na kulang ang nasa P17K na .5 pondo ng seniors upang ipamili ng goods sa kabuoang 240 nilang miyembro.

 

Dahil dito aabot lamang sa 170 ang bilang ng mga packed goods ang naihanda para sa 80 na dumalo sa kanilang Christmas party kung kaya’t mayroon pang mahigit 60 na natira, na ginamit naman nito bilang raffle at game prize at ipinamahagi sa mga tumulong sa pagbabalot nito.

 

Aniya pa ang treasurer mismo ng Barangay ang namimili ng mga goods at ipinagkakasya lamang ang kaunting pondo.

 

Aminado rin ito na hindi nila ibinibigay sa mga absent na miyembro ang kanilang parte dahil naniniwala aniya itong masasanay lamang ang mga itong lumiban sa mga kahalintulad na pagkakataon dahil sa pag-asang maibibigay pa rin ang kanilang parte.

 

 Samantala nilinaw din nito na ang P100 na annual budget na sinisingil sa bawat miyembro ay hindi sapilitan, layon lamang aniya nitong malaanan ng pondo ang kanilang mga programa at proyekto maging ang kanilang pang-abuloy sa mga namatayang miyembro na nagbayad rin dito.  |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog