ISANG SASAKYAN, NAG-OVERSHOOT SA MAY DIVERSION ROAD SA BAYAN NG LEZO


Direksyong Roxas City sana ang sasakyang Ford Everest nang mag-overshoot ito sa may irigasyon pasado alas-8 nito lamang umaga sa Diversion Road sa bayan ng Lezo.

Napag-alaman na may sinusundang mapa ang drayber ng sasakyan ngunit sa kadahilanang hindi ito na-update ng google ay namali ito ng direksyon.
Napagdesisyunan namang umatras ng nasabing sasakyan at hindi namalayan na mayroon palang irigasyon dahilan na mag-overshoot ang kanang likurang bahagi nito na maswerte namang hindi tuluyang nahulog.
Sa tulong ng Akelco ay agad na nahila ang sasakyan gamit ang Boom Truck.
Sakay naman ng naturang sasakyan ang isang pamilya, drayber, asawa nito at ang kanilang isang anak.
Samantala, wala namang ni isang nasaktan sa nasabing aksidente at minabuting huwag ng magpa-record sa Lezo PNP. | VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog