COMMITTEE CHAIRMAN ON SENIOR CITIZEN, IKINAGULAT ANG PANININGIL NG MONTHLY DUE SA MGA MIYEMBRO


 

Ikinagulat ni Agosto Tolentino, Chairman ng committee on senior citizen sa bayan ng Kalibo ang paniningil ng monthly due sa mga miyembro ng seniors sa Brgy. Briones.

 

Ayon kay Tolentino mayroong 1 percent mula sa pondo ng Province, Municipal at Barangay na pinaghahatian ng PWD at mga senior citizens, ngunit hindi rin aniya ito basta na lamang magagamit na hindi nagkakaroon ng assembly meeting at mapagkasunduan kung saan ito gagamiting programa o proyekto.

 

Dagdag pa nito na bilang Presidente ng seniors sa naturang Brgy. dapat magpresenta ito ng financial statement sa kaniyang mga miyembro sakali man na nakalagak sa banko ang pondo at kung anumang programa ang pinagkagastusan dito, upang malinaw sa lahat kung saan ito napupunta at maiwasan ang isiping napupunta lamang sa sariling bulsa.

 

Sa huli isinuhestyon nito na magpatawag ng pagpupulong ang OSCA Chairman upang mapag-usapan ang naturang problema at makasagot ang parehong panig. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog