2 TAON NANG PINAGHAHANAP NA SENIOR CITIZEN, KALANSAY NANG NATAGPUAN SA MADALAG, AKLAN




Positibong kinumpirma ng pamilya ng matagal nang nawawala na senior citizen na si Romeo Navarra na ito ang natagpuang kalansay sa Sitio Bato-Bato, Brgy. Catabana, Madalag, Aklan, pasado alas-11 kahapon. 

Sa panayam ng K5 News Team kay PLT. Anne Contreras, hepe ng Madalag MPS, napag-alaman na kahapon mismo ang ika-dalawang taon na pinaghahanap ang 67-anyos na si Navarra, na residente rin ng naturang lugar at sinasabing may problema sa pag-iisip matapos itong hindi na makauwi sa kanilang tahanan mula sa nakagawian nitong pag-alis sa kanilang bahay. 

Ngunit makaraang makita ng mga kapatid nito ang kalansay kahapon ay agad itong natukoy dahil sa kaniyang suot na damit. 

Nabatid naman kay Contreras na aabot sa isang kilometro ang layo ng lugar kung saan natagpuan ang human skeleton, sa mga kabahayan, kung kaya’t hindi agad ito napansin.

Samantala, tumanggi naman ang pamilya nitong sumailalim sa iba pang pagsusuri sa skeleton at nagdesisyon na lamang na bigyan ng maayos na pagpapalibing. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog