FARMGATE PRICE NG ITLOG PATULOY NA BUMABABA DAHIL SA MAHINANG DEMAND


 
 

Patuloy na bumababa nang hanggang P4 ang farmgate price ng maliliit na itlog dahil sa pagbaba ng demand at mataas na suplay, ayon sa Philippine Egg Board Association (PEBA).

Batay sa pinakahuling price monitoring ng Department of Agriculture, ang retail prices sa medium-sized eggs ay mula P6.80 hanggang P8.50 sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Nakapagtala rin ng hanggang P20 na bawas sa presyo ang wholesale ng mga itlog sa Mayila. 

Sa ngayon, ang medium sized eggs ay ibinibenta na lang sa P160 kada tray, P180 para sa large size, at P210 kada tray sa extra large. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog