DIREKTOR NG ‘KITA-KITA’ SIGRID BERNARDO, GUSTONG MAKATRABAHO SINA KATHRYN BERNARDO AT NADINE LUSTRE SA ISANG MATURE NA LESBIAN MOVIE


Ibinahagi ng director na si Sigrid Bernardo ang kanyang kagustuhang magdirek ng isang mature na lesbian movie na pagbibidahan ng mga premyadong aktres na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.

Si Sigrid ay kilala sa kanyang mga obra na “Kita Kita” at “Ang Huling Cha-cha ni Anita”.
Sa ulat ng PEP.ph, ipinahayag ni direk Sigrid sa isang media conference kamakailan ang kanyang interes sa paggawa ng isang Girls' Love (GL) movie na top-billed ng dalawang kinikilalang aktres.
Matatandaan na sina Kath at Nadine ang tinitingnan ng mga fans at netizens na bumida sa remake ng classic 1982 film na “T-bird at Ako”, kung saan tampok ang homosexuality bilang isa sa mga tema nito.
Samantala, nagpahiwatig ang direktor ng isang storyline kung saan ang mga karakter nina Kathryn at Nadine ay mga tomboy na binibigyang-diin na hindi ito magiging isang "coming out" na kuwento kundi isang "pagpapakita ng kanilang mga karanasan sa isang relasyon".

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog