VICE GANDA AT BILLY, NAGKAAYOS NA

 



Sa pambihirang pagkakataon at hindi inaasahan ng lahat, nagsilbing special guests ng Team Vice Ganda, Cianne, at Jackie ang dati nilang co-hosts na sina Billy Crawford at Coleen Garcia kasama ang kanilang anak na si Baby Amari.

Naganap ito sa “Magpasikat 2023” performance nila ngayong Huwebes, Nobyembre 9.

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Vice Ganda at Billy simula nang lisanin ng huli ang noontime show at maging bahagi ng “Lunch Out Loud” o LOL, ang katapat nilang noontime show noon sa TV5, na kalaunan ay naging “Tropang LOL” hanggang sa matsugi na nga. Siya rin ay nag-host dito ng “The Masked Singer Philippines” at “The Wall Philippines.”

Sa YouTube channel pa nga ni Vice Ganda nagpaliwanag si Billy kung bakit siya lumundag sa TV5. Kahit na nasa ibang network na raw ay patuloy pa rin daw silang magiging magkapamilya.

Ngunit nagulat ang lahat sa balitang nag-unfollow umano sila sa Instagram accounts ng isa’t isa noong Nobyembre 2021.

Sa pag-guest nina Billy at Coleen ay natuldukan na ang matagal nang alingawgaw na hanggang ngayon ay hindi sila okay. Pero inamin ng komedyante-TV host na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon ni Billy.

Napagtanto raw ni Vice Ganda ang tungkol sa salitang “healing” dahil sa konsepto ng performance naman ng team nina Anne Curtis, Ryan Bang, at Ogie Alcasid na nagpasiklab naman kahapon ng Miyerkules, Nobyembre 8.

Naisip daw niyang hilingin ang pag-guest ng mag-anak habang magkatext sila, bagay na pinaunlakan naman nila. Ang presensya raw nina Billy at Coleen sa performance nila ay may mensahe raw sa mga nagnanais na ma-inspire na mag-heal.

Nag-sorry naman si Billy kay Vice, sa madlang people, at mga Kapamilya. Aniya, ginawa lamang niya ang mga ginawa niya dahil gagawin niya ang lahat para sa kaniyang pamilya.

Matatandaang na-bash si Billy nang iwanan niya ang It’s Showtime at ABS-CBN matapos ngang lumundag sa TV5, at ngayon nga, napapanood na siya sa GMA Network bilang coach ng “The Voice Generations” at nag-guest na rin sa “TikToClock.”

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog