BANGKAY NG BABAENG NATAGPUAN SA LOOB NG BAHAY SA NUMANCIA, MALINIS ANG REKORD SA BRGY; SUSPEK AT MOTIBO SA PAG-PATAY PATULOY NA PALAISIPAN


 

Malinis ang rekord sa Barangay Pusiw, Numancia, walang nakaaway at walang idinulog sa Brgy council na naging problema.
Ganito ilarawan ni Punong Brgy. Allan Rose sa panayam ng K5 News team, ang 59-anyos na si Analyn Rembulat na una nang naiulat na natagpuang wala ng buhay sa loob mismo ng kanilang bahay.
Aniya pa, nasa dalawang taon pa lamang na umuwi si Rembulat mula sa ibang bansa matapos itong maging OFW at nagdesisyon na tuluyan nang mamalagi sa lugar upang alagaan ang kaniyang ina at magtayo ng maliit na tindahan.
Kaugnay dito, nabatid din kay Rose na sa kabila ng malinis na rekord ng nasabing ginang sa Brgy., dalawa naman sa mga kapatid nito ang drug surrenderers na ang isa ay nadakip pa ng mga otoridad.
Samantala, kumbinsido naman ang Punong Brgy. na mayroong foul play sa pagkamatay ni Rembulat bagama’t patuloy pa ring palaisipan kung ano ang motibo at sino ang nasa likod ng nangyaring krimen, dahil kung ito aniya ang tatanungin ay maayos na naipapatupad ang peace and order sa kanilang Brgy. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog