Patay ang tatlong hindi pa nakikilalang miyembro ng Communist
NPA Terrorist (CNT) sa nangyaring engkwentro sa mga military kaninang madaling
araw sa kagubatang bahagi ng Barangay Torocadan, San Joaquin, Iloilo Province.
Ayon sa 301st Infantry (Bayanihan) Brigade,
tumagal ng 20 minuto ang bakbakan sa humigit-kumulang 20 armadong miyembro ng Southern
Panay Front, Komiteng Rehiyon -Panay (SPF KR-Panay) sa ilalim ng Nahum
Camariosa @BEBONG.
Matapos ito ay agad na tumakas papalayo ang mga NPA
habang naiwan ang tatlong nasawing kasamahan at ang kanilang mga kagamitan.
Narekober sa lugar ang limang (5) high-powered firearms na
binubuo ng apat (4) na M16 rifles, at isang (1) AK-47 rifle; talong (3)
bandoleers; isang (1) commercial radio; at siyam (9) na backpacks na naglalaman
ng personal na kagamitan ng mga CNTs.
Napansin din ang ilang mga bakas ng dugo mula sa mga tumakas
na CNTs na isang senyales na mayroong sugatan sa mga ito.
Samantala, patuloy namang panawagan ni Brigadier General
Michael G Samson, Brigade Commander of 301IBde sa mga taga-Panay ang
pakikipagtulungan sa gobyerno upang matapos na ang communist insurgency sa
bansa.
0 Comments