BINATANG BELGIAN, KAUNA-UNAHANG GUMALING SA BRAIN CANCER

 


Nakakagulat at parang isang Milagro ang paggaling ng isang 13-anyos na binatang Belgian sa sakit na brain cancer.

Ayon sa ScienceAlert, na-diagnose ang 13-anyos ng isang pambihirang uri ng brain tumor noong ito’y 6-anyos. Tinatawag itong brainstem glioma or a diffuse intrinsic pontine glioma (DIPG).

Kaugnay nito, karamihan sa mga DIPG patients ay hindi na umaabot sa isang taon ang buhay matapos ma-diagnose. Ngunit sa ilang mga pag-aaral, tanging 10% lamang ang nabubuhay matapos ang ilang taon.

Dahil dito, napagdesisyunan ng pamilya ng 13-anyos na tumungong France para subukan ang BIOMEDE trial – isang uri ng gamot para sa DIPGG.

Ipinahayag ni Doc Jacques Grill na malakas na tumugon ang bata sa cancer drug na Everolimus at sa ilang serye ng MRI scans, nasaksihan nitong tuluyan nang nawala ang tumor.  

Ikinagulat naman nito ang nangyari sa 13-anyos na binata at napagdesisyunan na pag-aralan pang mabuti ang kaso ng bata.

Samantala, tiniyak ni Carver College of Medicine oncologist James Byrne ang resulta ng kanilang pag-aaral sa nasabing gamot ay ligtas at makakatulong sa pag-improve ng mga therapy sa iba’t ibang uri ng cancer.



 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog