PANININGIL NG P200 NA MEMBERSHIP FEE PARA SA FEDERATION NG SENIORS SA BRGY BRIONES, KALIBO, WALANG CONSULTATION



Walang consultation at information dissemination ang paniningil ng P200 na membership fee para sa federation ng senior citizen sa Brgy. Briones, Kalibo.

Ito ang sinabi ni Mr. Newton Briones, isa sa mga miyembro ng seniors, matapos na dumulog sa himpilan ng K5 NEWS FM KALIBO, kaugnay sa ilang alalahanin sa ilalim ng pamamalakad ng kanilang Presidente sa nasabing Brgy.
Ayon kay Briones, walang nangyaring assembly meeting upang mapag-usapan at mapagkasunduan ang paniningil ng P200 na membership fee, maliban pa sa P200 na annually nilang binabayaran at iba pang mga ambagan.
Wala rin aniya silang makuha na sagot magmula sa kanilang Presidente dahil una na silang nasabihan na ang sinumang hindi makakapag bayad ay walang karapatan na magtanong at hindi rin makakatanggap ng anumang benepisyo mula sa senior, kalakip na ang .5 budget na nakatakda para sa mga ito mula sa gobyerno.
Kumbinsido din si Briones na na napilitang magbayad ang ibang miyembro dahil sa kakulangan sa edukasyon at sa bantang mawawalan sila ng benepisyo.
Dahil dito umaasa naman si Briones na makakakuha na sila ng sagot mula sa mga kinauukulan, maipakita sa kanila ang financial statement at kung saan napupunta ang pondo na para sa kanila gayundin ang kaalaman kung sino ang nagbe-benepisyo ng binabayarang 200 pesos para sa membership ng federation. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog