Nakatakdang ipagdiwang ang Chinese New Year sa Rizal St., sa bayan ng Kalibo sa nalalapit na Pebrero 10.
Ito ang inihayag ni Kalibo Vice Mayor Cynthia Dela Cruz sa panayam ng K5 News team matapos na maaprubahan ang ipinasang resolusyon na naglalayon na mapag-aralan ang posibilidad na gawing China town ang Rizal St., gayundin ang resolusyon na nagtutulak na magkaroon ng Chinese New Year celebration sa nasabing lugar.
Dagdag pa nito na sa pamamagitan nitong okasyon ay maibabalik ang dating tradisyon, makakatulong sa turismo, makakapag-hanapbuhay at makakpagbigay trabaho dagdag pa ang entertainment/libangan nitong hatid para sa mga bisitang makikisaya at manunuod.
Dahil dito aasahan aniya ang iba’t-ibang aktibidad at programa kabilang na ang dragon dance, lighting of chinise lanterns at food fest sa lugar, bilang bahagi ng selebrasyon.
Samantala, nabatid din kay Dela Cruz na nakatakda silang bumuo ng council na siyang tututok upang mas paunlarin ang naturang selebrasyon para sa susunod na taon.| TERESA IGUID
0 Comments