6 NA SUNDALO, PATAY SA LANAO



Nasawi ang anim na sundalo ng 44th Infantry Battalion 44IB, 7th Scout Ranger Company, at 3rd Scout Ranger Battalion matapos makasagupa ang mga hinihinalang teroristang miyembro ng Daula Islamiyah-Maute Group sa Munai, Lanao del Norte kahapon, Pebrero 19, 2024.


Kinilala ang mga biktima na sina CPL. Mobile Rodel , CPL. Reland Tapinit, PVT. James Poras, PVT. Michael John Gliding, CPL. Rey Anthony Salvador, at PFC Arnel Tornito.

Bukod sa mga namatay na sundalo, mayroon ding iba pang nasugatan sa naturang engkwentro.

Napag-alamang naglunsad ang mga militar ng isang Decisive Military Operation sa lugar nang mangyari ang engkwentro sa hindi bababa sa sampung terorista sa Maute. | VGC

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog