PAGBALIK SA PRE-PANDEMIC SCHOOL CALENDAR, POSIBLENG ABUTIN PA NG 5 TAON - DEPED REGION 6



Tinatayang aabutin pa ng limang taon bago tuluyang maibalik ang dating school calendar sa kabila ng ilang mga hakbang ng Department of Education upang unti-unti namang maibalik ang school break sa buwan ng Abril at Mayo.
Ito ang sinabi ni Mr. Hernani Escullar Jr., Information officer ng DepEd Region 6, sa programang Foro De Los Pueblos, kaugnay sa inilabas na DepEd Order No. 003, s. 2024 ng Kagawaran ng Edukasyon na nagsasaad ng pagbabago sa natitirang mga aktibidad para sa School Year 2023-2024.
Nabatid kay Escullar na base sa orihinal na school calendar ngayong taon, nagkatakdang magtapos sa June 14, 2024 ang pasukan ngunit mapapaaga na ito ng halos dalawang linggo matapos ang issueance ng DepEd Order No. 003 at ilagay sa May 31, 2024, habang ang panibago namang pasukan ay nakatakda na sa July 29 2024-May 15, 2025.
Ipinasiguro din nito na ang pagbabago sa school calendar ay hindi makakaapekto sa 30 days na bakasyon ng mga guro na itinakda naman mula June 1 hanggang 30, habang ang mga nasa private schools naman ay naka-depende sa kanilang separadong school calendar na aprubado ng DepEd na mayroong hindi bababa sa 200 at hindi lalagpas sa 220 days ng pasukan.
Samantala, ipinunto rin nito na hindi maaaring biglain ang mga hakbang upang makausad papunta sa pre-pandemic school calendar dahil sa mga posibleng maaapektuhan nito kabilang na ang kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog