LUGAR PARA MAGLABING-LABING KASAMA ANG JOWA?


Tara sa Hacienda Maria ng Buruanga, Aklan.

Ang Hacienda Maria ay isang pamanang lugar at eco-tourism destination sa bayan ng Buruanga.




Ito ay may lawak na 14-ektarya at itinuturing na tahanan ng iba’t ibang natural wonders tulad ng dalawang kweba kung saan naroroon ang mga nabuong stalactite at stalagmite.




Isa namang tourist spot na ipinagmamalaki sa Hacienda Maria ay ang talon nito na nasa 10-foot ang lalim na puwedeng-puwede sa cliff jumping.



Bukod pa rito, maaari mo ding ma-explore ang dalawang kweba na puno ng kumikinang na stalactite at stalagmite formations.
San ka pa, masasaksihan mo na ang nakakamanghang ganda ng lugar, may matutunan ka pa.






Para sa mga gustong maglabing-labing lalo na ngayong Valentine’s Day, subukan ang kanilang Hot Pot Jacuzzi o mas kilala bilang “kawa” kung saan ramdam na ramdam ang lukewarm water ng jacuzzi na nilagyan ng mga herbal na dahon na the best sa relaxation at healing.


Tunay ngang over-all package ang mararanasan sa Hacienda Maria dahil hindi lang paliligo ang pupwede mong gawin kundi maaari ka ding mag-explore at damhin ang nature vibes.
Kaya mga ka-K5, tar ana! Byahe tayo!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog