GRADE 11, TINADTAD NG SAKSAK NG ICE PICK; SUSPEK MENOR DE EDAD



Mahigit isang oras lang ang itinagal sa ospital ng Grade 11 student matapos itong masaksak sa labas ng isang disco dakong ala-1 ng madaling araw sa Sitio Mainit, Barangay Sta. Rosa sa Olango Island sa Lapu-lapu City.
Kinilala ang biktimang si John Paul Roland Maranga Dungog, 18, residente ng nasabing barangay habang ang suspek ay isang 16-anyos na binatilyo mula sa Sitio Causwagan sa Brgy. Baring, sa Olango Island.
Ayon sa otoridad, nagtungo papuntang disco ang suspek at biktima kasama ang kani-kanilang mga kaibigan.
Nagsimula ang away sa pagitan ng dalawang grupo sa loob ng disco hanggang sa dinala nila ito sa labas at nagpatuloy ang kaguluhan.
Sa kasagsagan ng bakbakan sa gitna ng dalawang grupo, dito na inilabas ng 16-anyos ang isang ice pick at sinaksak sa biktima.

Nagtamo ng matinding sugat sa kaliwang dibdib ang Grade 11 student na naging sanhi ng pagkamatay nito.  

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog