LUIS AT JESSY, TIED THE KNOT AT PALAWAN


 

Ikinasal na sa simbahan sa Coron, Palawan sina Luis Manzano at Jessy Mendiola nitong Huwebes, Pebrero 15.

Naging saksi naman sa kanilang pag-iisang dibdib si Fr. Tito Caluag, mga kapamilya, kamag-anak at kaibigan ng mag-asawa.

Bago ito, sinabi ni Jessy na hinintay nila ni Luis ang tamang panahon para masaksihan ng kanyang pamilya ang kasal.

Matatandaang nauna nang kinasal ang dalawa sa Lipa City noong Pebrero 2021 ngunit hindi nakadalo ang mga magulang ni Jessy.

Kung kaya’t tuwang-tuwa itong makita ang kanilang buong pamilya na present sa memorableng okasyon nilang mag-asawa gayundin ang personal nilang makilala ang baby nilang si Rosie.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog