G-DRAGON, ITINANGGI NA GUMAGAMIT ITO NG ILEGAL NA DROGA



Mariing itinanggi ng lider ng Kpop boy group na BIGBANG na si G-Dragon ang umano’y paggamit nito ng ilegal na droga.

Sa isang pahayag ng kanyang abogado, sinabi ng South Korean star na wala umanong katotohanan na gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot.

Dagdag pa rito, wala din umanong kinalaman ang BIGBANG leader sa mga lumalabas na ulat ukol sa paglabas nito sa Act on the Control of Narcotics at iba pa.

Subalit, nangako naman ito na aktibo itong makikipagtulungan sa imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng kinasasangkutang kaso.

Matatandaan nitong Huwebes ay nai-book na walang detensyon si G-Dragon ng Incheon Metropolitan Police Agency sa kasong paglabag sa Act on the Control of Narcotics, Etc. |SAM ZAULDA

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog