Mariing tinanggi ng
bise-presidente ang nag-viral na video kung saan pinasara ang kalsada sa may Commonwealth
Avenue dahil tatawid umano si VP Sara Duterte.
Maririnig din sa video ang
paulit-ulit na pagsambit ng isang lalaki na tatawid umano ang bise-presidente
matapos nitong tanungin ang isang pulis kung bakit pinasara ang isang kalsada sanhi
ng mabigat na daloy ng trapiko.
Sa inilabas na pahayag ng
Office of the Vice President, ipinunto dito na nasa Mindanao ang
bise-presidente upang ipagdiwang ang World Teacher’s Day at lumahok sa iba pang
mga aktibidad.
Nakasaad pa sa pahayag na hindi
nakipag-ugnayan ang Vice President sa QCPD at iba pang ahensya ng gobyerno para
gumawa ng isang aksyon na ikakapahamak o magiging abala sa publiko.
Sa kabilang banda, inalis na
muna sa puwesto ang sangkot na pulis na nagpasara ng kalsada para padaanin
umano si Vice Pres. Sara Duterte.
Sinasabing nalito lamang
umano ang pulis nang may narinig na may dadaang VIP sa kalsada. |SAM ZAULDA
0 Comments