PAHAYAG NI VP DUTERTE PATUNGKOL SA ‘KAAWAY NG KAPAYAPAAN’, BINATIKOS NG PUBLIKO


  

Viral ngayon sa social media ang naging pahayag ng Bise Presidente na si Sara Duterte matapos itong manggalaiti sa mga kritiko ng kanyang kontrobersyal na confidential funds.

"Tandaan niyo, kung sino man kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan. Kung sino ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan," wika niya sa ika-22 Police Service Anniversary ng Philippine National Police Regional Office 13.

Matandaan na ginastos ng Office of Vice President Sara Duterte ang kontrobersyal na P125 milyong confidential funds noong 2022 sa loob lamang ng 11 araw, ito’y matapos kumpirmahin ng Commission on Audit (COA). |VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog