Balik na sa paggamit ng batuta ang Philippine National Police (PNP), ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda.
Ito ay kasunod ng mga kasong pamamaril na kinakasangkutan ng ibang mga pulis.
Pahayag ni Acorda, hindi aniya tama na ginagamit agad ng mga pulis ang baril sa kanilang pagresponde dahil posible itong makapahamak ng isang inosente.
Binigyang diin pa Acorda na dapat na manatiling ‘last option’ ang paggamit ng baril sa pagtugon o pagresponde sa bawat sitwasyon.
Samantala, ilang police stations
na sa bansa ang muling naglalagay ng batuta at pito sa kanilang uniporme.
|VILROSE CUAL
0 Comments