Hindi
na muna makakalaban sa Asian Games sina Uzbek cyclist Aleksey Fomovskiy at
Philippine Mountain Biker Ariana Evangelista matapos itong magpositibo sa drug
test.
Tinapos
ni Fomovskiy ang kanyang laban bilang ikalima sa men’s omnium track cycling
final noong Setyembre 28 at ikaanim sa road time trial race nitong martes.
Habang,
tinapos naman ni Evangelista, 27-anyos ang kanyang laban sa women’s mountain
bike race noong Setyembre 25.
Lumabas
sa pagsusuri kay Fomovskiy ang anabolic androgen steroids sa in-competition
test na isinagawa sa araw mismo ng omnium finals.
Gayundin,
si Evangelista ay nakitaan ng erythropoietin (EPO) sa blood at urine samples na
kinolekta naman sa out-of-competition test.
Samantala, ipinasa na sa Anti-Doping Division lng Court of Arbitration ng Sport ang kaso ng dalawang atleta para sa nauukol na hatol sa ilalim ng Anti-Doping Rules.
|SANDRO SALAZAR
0 Comments