90-ANYOS NA EMPLEYADO NG MCDO SA JAPAN, PLANONG MAGTRABAHO HANGGANG MAG-100 TAON

 


Planong magtrabaho ng isang 90-anyos na lolang empleyado sa isang fast food chain sa Japan hanggang sa ito’y umedad ng 100 na taon.

Sa isang ulat, naniniwala si Tamiko Honda na ang kanyang pagtatrabaho ay isa sa mga paraan upang mapabuti ang kaniyang kalusugan kung kaya’t nais nitong ipagpatuloy ito hanggang sa kanyang centennial years.

Ipinanganak ni Honda sa Uki City, Kumamoto Prefecture, Japan na unang nagtrabaho bilang nursing staff sa Kumamoto City.

Ngunit, kinailangan nitong iwan ang naunang trabaho dahil sa umabot na ito sa mandatory retirement na edad na 61 hanggang sa napagdesisyunan nitong maging parte ng cleaning staff sa isang unibersidad ng 7 taon.

Inamin ni Honda na ang kaniyang pagtatrabaho ay naging isang mabuting distraksyon lalo na’t na hindi n anito gawin ang nakahiligang libangan sa pananahi dahil sa katarata.

Samantala, inilalarawan si Honda ng mga katrabaho nito bilang isang masipag at minamahal nila ang nakakahawang ngiti nito. |SAM ZAULDA

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog