BLANKPINK LISA, NAG-UPLOAD NG KANYANG CRAZY HORSE PARIS PHOTOS PERFORMANCE



Nasilip na sa wakas ng mga fans ang pinag-uusapang performance ni Blankpink member Lisa ang kanyang inupload na picture sa Crazy Horse Paris.

Sa Instagram post, ibinahagi ng K—pop idol ang kanyang sultry snaps na kuha mula sa kanyang kakatapos lamang na performance sa kilalang Parisian cabaret venue.

Ang cabaret ay isang uri ng theater kung saan ang mga performers ay nagbibigay ng live entertainment sa mga manonood kasama ng musika, sayaw, at drama.

Nagpasalamat naman ang K-pop Idol sa matagumpay na performance kung saan ito aniya ang pinakamasayang karanasan niya sa Crazy Horse Paris.

Samantala, mahigpit namang ipinatupad ang no-recording policy at tanging ang mga dumalo lamang ang makakapanood ng naturang performance ng K-pop star. 

| SANDRO SALAZAR

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog