TIMBOG SA GUN BAN, UMABOT NA SA 1,135



Patuloy pa ring umaakyat ang kaso ng mga nahuhuling nagdadala ng baril at patalim sa implementasyon ng Gun Ban sa bansa kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Umabot na ito sa 1,135 ang mga nahulihan sa pagdadala ng baril at patalim.

Ayon kay PNP Information Office chief PCol. Jean Fajardo, sangkot sa bilang ang 1,088 sibilyan, 16 security guards habang ang iba ay government officials, pulis at militar.

Ang gun ban ay ipatutupad hanggang Nob­yembre 29.

Una ng nabanggit ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na ang kumpiskasyon ng mga loose firearms ay makakatulong upang maisagawa ng maayos at payapa ang darating na BSKE.

Samantala, iginiit ni Acorda Jr. dapat umanong maiwasan ang ano mang karahasan sa panahon ng eleksiyon dahil taumbayan umano ang nasasakripisyo. | VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog