Tiwala ang Department of Agriculture na wala silang nakikitang taas-presyo sa bigas sa bansa hanggang sa unang bahagi ng 2024.
Ito ang inihayag ni Assistant Secretary Arnel de Mesa, dahil sa sapat na suplay ng regular at well-milled rice sa kasalukuyan.
Binanggit din ni De Mesa ang paparating na karagdagang rice imports, na inaasahang madami pa rin hanggang sa huling bahagi ng taong kasalukuyan.
Aniya, ngayong Oktubre ay inaasahan ang pinakamadami na maaani na pwedeng pumalo ang national inventory stocks hanggang 77 days habang sa buwan naman ng Nobyembre, sa katapusan ng pag-aani para sa wet season, ay inaasahan naman na papalo ito ng 94 days.
Samantala, tiwala din ito na maganda at malaki ang national
inventory sa ng bigas sa tulong na rin ng rice imports.|TERESA IGUID
0 Comments