PBBM, BINATI ANG GILAS SA KANILANG PAGKAPANALO SA ASIAN GAMES



Nakatanggap ng pagbati ang Gilas Pilipinas kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos masungkit ng grupo ang gintong medalya sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Sa puntos na 70-60 sa men’s basketball, nakuha ng Gilas ang gintong medalya kontra Jordan sa 19th Asian Games sa naturang bansa.

Nanalo ang Gilas Pilipinas matapos makapuntos si Justin Brownlee ng 20.

Matatandaang, personal pang nanood si Pangulong Marcos sa laban ng Gilas Pilipinas sa Philippine Arena sa Bulacan para sa FIBA Game. |VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog