SYSTEM NG PSA, NAPASOK NA RIN NG MGA HACKER



Biniktima na rin ng mga hacker ang Philippine Statistics Authority (PSA), kung saan ito ang ahensyang itinalaga sa pangangalap ng mga datos para sa National ID system.

Sa datos ng PSA, nasa 81 milyong mga Pilipino na ang nakapagbigay ng kanilang personal na mga impormasyon kung kaya’t nababahala ang publiko sa maaaring ng mga hacker dito.

Ayon sa PSA, hindi naman umano apektado ng hacking ang Philippine Identification System (PhilSys), o ang programang humahawak sa national ID ng bansa, at ang Civil Registration System (CRS), na humahawak sa database kabilang na ang birth certificates.

Dagdag pa ng ahensya, limitado lamang umano sa Community-Based Monitoring System (CBMS) ang napasok ng mga hacker.

Kung matatandaan, nauna nang naiulat na na-hack ang system ng Philhealth at binantaan na rin ito na ibubunyag ang lahat ng mga impormasyon kung hindi makapagbigay sa hinihinging ransom money.

Samantala, pinaalalahanan ng PSA ang publiko na maging maingat sa mga lumalabas na umano’y sample data sa social media na maaaring naglalaman ng mga malware. 

|SAM ZAULDA

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog