'ERE' NI JUAN KARLOS, UMANI NG RECORD BREAKING SA GLOBAL SPOTIFY CHART



Pinabilib ng Juan Karlos Labajo, na kilala sa kanyang mga lyrical at moving songs, ang mga Pinoy matapos makakuha ng 1.22 milyon streams at nasa #177 sa global chart ng Spotify.

Maraming mga tagahanga ni Labajo ang naantig at namangha sa kanyang natatanging kakayahan na ipahayag ang matinding emosyon sa pamamagitan ng musika.

Nang unang inilabas ang "ERE" noong Agosto 4, 2023, agad itong tumaas sa lokal fame at sa huli ay nag rank ng isang kamangha manghang 1.22 milyong streams, na nagpe-peak sa #177 sa global chart ng Spotify.

Ang kanta nitong "ERE" ay may temang heartbreak, betrayal, at pananabik sa dating kasintahan kung saan patuloy na umaakyat ang ranggo nito na ngayo’y nasa #85 sa global Spotify chart na may 1.583 milyong stream.

Samantala, ang kamangha manghang tagumpay ng singer/writer ay tagumpay din ng industriya ng musika sa bansa. | VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog